Saturday, April 20, 2013
AKO NA NGA TALAGA!!
OHEMGEE!! ako na talaga! ako na nga ang nanalo na President ng College of International Tourism and Hospitality Management Student Council!! hay grabe lang alam nyo ba bago ko nakamit ang tagumpay na ito nako samu't saring mga speculations pa ang mga pinagdaanan mo. Grabe nanjan yung mga bashers na ayaw naman akong manalo, nanjan yung pagod sa kampanya, at siyempre nanjan yung mga tao na akala mo ok yun pala eh HATERS ko pala. Well, ako naman sa aking opinion, hindi ko naman inaasam ang panalo eh, ang sakin lang, THIS IS A FRIENDLY COMPETITION, kung sino man ang manalo, sa tingin ng lahat sya ang karapat dapat. Hmm, for me kasi winning in this kind of let say competition is a big responsibility, mahirap at masukal ang mga pagsubok na pagdadaanan mo jan, mahirap maging part ng isang mataas na organization, lalo na at madaming mata ang aaligid at titingin sayo, well as far as I know, being a Student Leader is not that bad, oo nanjan yung mga tao na magagalit sayo kasi siyempre nga naman sasabihin nila sayo malaki na ulo mo kasi nanalo ka jan, nako sakin hindi, hindi ko igagrab yung oppurtunity na sirain ang image ko as a student dahil sa loob ng isang napakagandang unibersidad na ito pantay pantay lang ang tinginan sa bawat isa, walang lamangan dapat, FAIR dapat palagi kasi yan lang isa sa mga tulay na pwede mong ikaunlad, atsaka hindi naman lahat ng tao nabibiyayaan ng spirit of being a Leader, iilang tao lang ang meron nyan, ako sa tingin ko meron ang ng spirit na yon, dama ko naman eh. Actually, masaya naman ako kahit ano pang naging outcome ng election na iyon, manalo man ako o matalo, MASAYA ako kasi alam ko sa sarili ko na may tiwala ang bawat tao sa paligid ko at pati mga professors as well as our Dean may tiwala sakin na kaya ko. So kung ano man ang mangyayari sa susunod na kabanata ng buhay ko bilang isang Student Leader yan ang aabangan ko. Alam ko na lahat ng pagsubok na dadaanan ko makakaya ko kasi alam ko na malakas akong tao at alam ko na tutulungan ako lagi ni God para sa mga desisyon na gagawin ko. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment