Monday, October 24, 2011

my new song discovery!


ang ganda talaga nyang kanta na yan!! i want to learn that song!! yung as in yung duet!! sana makahanap ako ng pwedeng kaduet jan!

Tuesday, October 18, 2011

just happy!! :))


masaya ang maraming kaibigan!! sobrang masaya, alam ninyo ba yung feeling na sila yung makakatulong sa inyo pag may problema kayo? sila din yung tao na maituturing mo na kapatid na aaruga sayo pag malungkot ka. hindi ka nila iiwan sa lahat ng pagkakataon, tutulungan ka nila na maresolba ang problema mo, sila din ang tao na hindi ka idadown bagkus sila pa yung hihila sayo pataas. minsan ang kaibigan din ang sisira sa samahan ninyo. bakit? kasi paplastikin ka lang nila, sasabihan ka lang nila ng masama pag nakatalikod ka, at kung ano ano pang mga salita na hindi kanais nais. pero alam ninyo hindi naman nila kasi maintindihan ang side mo. yung tipo na kahit anong paliwanag ang sabihin mo hindi nila matanggap, ang sasabihin lang nila sayo eh mayabang ka kasi ganyan ka na, hindi ka na nila kilala, ikaw pa yung sasabihan nila na masama kasi napakakitid nila. ang sakin naiintindihan ko yon kasi hindi ko naman sila masisisi kasi sila yon eh, yun lang yung side nila, kaya ako wala akong pakialam sa mga side nila kasi pag naman nagpaliwanag ako ako padin yung lalabas na masama sa mata nila. masakit oo pero kailangan tanggapin kasi yon yung ugali na hindi natin matatanggal sa kanila.


Thursday, October 13, 2011

SM Pampanga Tragedy (Gay Couple)


dito natin mapapatunayan ang tunay na pagmamahalan ng dalawang tao. magpapatayan sila kahit na mahal nila ang isa't isa. a sad gay couple story of jonathan salvador and jake emerson perez.

12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country


1) Follow traffic rules. Follow the law.
2) Whenever you buy or pay for anything, always ask for an official receipt.
3) Don’t buy smuggled goods. Buy local. Buy Filipino.
4) When you talk to others, especially foreigners speak positively about us and our country.
5) Respect your traffic officer, policeman and soldier.
6) Do not litter. Dispose your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve.
7) Support your church.
8) During elections, do your solemn duty.
9) Pay your employees well.
10) Pay your taxes.
11) Adopt a scholar or a poor child.
12) Be a good parent. Teach your kids to follow the law and love our country.

a part of GROWING UP! :)



growing up is never been easy. we know that growing up is the hardest part of life. this is the stage that many changes are happening. alam natin na mahirap ang maging mature. pero kailanagn natin dumaan sa stage na dapat tayong matuto na ang buhay ay hindi isang laro, ito ay dapat laging pinaghahandaan dahil hindi natin ang ang mga certain possibilities, ang mga chances na pwede nating malagpasan. ang buhay kasi ay isang palatandaan na hindi natin dapat kalimutan. isang parte ng paglaki at pagtanda ay ang pagpili ng tamang pagdedesisyon sa buhay, lahat ng desisyon na iyong gagawin ay dapat nakalaan sa mga taong nakapaligid sayo, hindi lamang ito dedepende sa iyong personalidad kundi kasama nadin dito ang mga tao sa paligid mo. dapat isabuhay nating ng tama ang pagtanda dahil hindi ito isang simpleng kongkreto na nakabatay lamang sa ating buhay. ito ay ang pinakaimportante. yan ang dapat nating tandaan.

Tuesday, October 11, 2011

music is my LIFE.....



MUSIC, when it pertains to this, i'm so very active, why? because i love music, i love to sing, i love all about music. ang musika ay nagbibigay aliw sa ating mga tao, lalong lalo na sa mga music lovers. katulad ko na mahilig makinig ng kahit anong uri ng musika, maliban na lamang sa rap na kanta. hindi din ako masyadong mahilig sa rock, pili lang ang pinapakinggan ko na rock music. pero wala naman sa uri ng kanta ang ang pagkahilig natin sa musika. natural na sa ating mga Pilipino na ang pagkahilig sa musika at pagkanta. para sa akin tayong mga Pilipino ang pinakabihasa sa pagkanta at paggaya ng mga istilo sa pagkanta. all i want is all about music! kaya tangkilikin natin ang mga musika na kinahihilihan natin.

Monday, October 10, 2011

how's LIFE!! :))

 

 LIFE.. that is the most precious gift that GOD gave us. He gave us life for us to learn everything and anything. to have knowledge that life was not that easy at all. but for me life is happiness, why? because without life i can't express my expressions, emotions, the love and care i wanna share to my love ones. hindi naman mahirap mabuhay di ba? may mga oras lang na naiisip natin na sumuko dahil hindi na natin kaya ang mga pasanin na ating dinadala. lahat ng bagay ay may paraan alam natin yan pero minsan hindi din maiiwasan na marealize ng isang tao na ang buhay ay mahirap, hindi dahil sa mga pasan nilang problema, kundi dahil naiisip lang nila na ang buhay ay sobrang hirap. alam natin na ang buhay ay hiram lamang, hindi natin pwedeng ibalik ang mga bagay na gusto nating ibalik. mahirap ng ibalik ito dahil sa katotohanan naman ay kahit mali ay ginusto padin natin na mangyari ang bagay na ayaw natin. sadly but it's true.

Sunday, October 9, 2011

the past..


why people say that your past can't be forgotten??  they say that past is the most unforgettable moment in your life. alam nyo ba yung feeling na hindi mo makalimutan yung nakaraan mo?? ang hirap kasi di ba, kasi alam mo na mahal mo pa sya pero sa isang iglap iiwan ka na nya. naranasan ko na yan.. yung iwan ng mahal mo, sobra akong nasaktan dahil iniwan nya ako, kasi alam ko naman na mahal  namin ang isa't isa yun nga lang hindi talaga kami pwede sa isa't isa dahil sa madaming speculations, issues, and higit sa lahat yung mga problema na kinakaharap namin. kakaiba kasi yung relasyon namin eh, hindi ko na babanggitin kung ano man yung problema na yun. mahal ko sya eh alam nya yun, alam ko din na mahal nya ako pero hindi talaga pwede dahil sa madaming dahilan. pero hindi naman ako nalungkot ng sobra dahil naintindihan ko naman yung dahilan kung bakit nya ako iniwan, tama naman yung ginawa nya. pero sana hindi nya ako binigla,pero ok na din kasi mas nalaman ko kung ano yung kahalagahan ko sa kanya. mahal nya ako kahit na iniwan nya ako, hindi nawala yung closeness namin, itinitressure ko yung mga panahon na magkasama kami, naguusap, at kung ano-ano pa. masaya ako kahit masakit, pero kailangan tanggapin na hindi pa talaga sya ang para sakin.. </3

Saturday, October 8, 2011

my IDOL experience.. :)


this is the first time that i joined a singing contest. syempre nanjan ang kaba kasi unang beses ko nga na sumali ng singing contest. alam ninyo ba yung feeling na alam mo na matatalo ka din naman kasi iniisip mo na sobrang galing ng mga kalaban mo. oo totoo nga na magaling sila, pero pinatunayan ko sa sarili ko na kaya ko din naman makipagsabayan sa kanila. dumadaan ang mga araw na palagi kaming magkakasama, jamming sa banda, kantahan, minsan dumadating yung pagkakataon na pumipiyok na ako dahil sa hirap ng kanta na kinakanta ko, pero syempre praktis lang ng praktis, at syempre nagawa ko naman ng tama at hindi na ako nagkamali. sa simula mahirap mag-cope up sa mga kasama ko kasi hindi ko sila kilala pero dumaan ang mga araw na masaya na,bonding at iba pa. eto na ang araw na hinihintay namin, ang araw ng aming paglalaban laban, nagsikanta na kami, at natapos ang lahat, tinawag ang top 3, isa ako sa natawag, sobrang masaya ako noon kasi hindi ko inexpect na makakasama ako doon, nanalo naman ako sa patimpalak na iyon, pangalawa ako sa mga nanalo, hindi ko inakala na makakapasok ako dahil hindi naman ako magaling, pero siguro gaya nga ng sabi ng iba eh "GODS WILL" kaya masaya ako..

buhay gadgets...

ang mga gadgets ay isa sa mga bagay na hindi makalimutan na dalihin ng mga tao sa kanilang buhay. hindi nila kayang magawang mabuhay ng walang gadgets. bakit kaya? para sakin hindi kayang mabuhay ng tao ng walang gadgets dahil sa kailangan din naman ng mga tao ang mga gadgets na gaya ng mga nasa larawan na ito. lalo na ang cellphone, ito ay isa sa mga bagay na ginagamit ng tao palagi, ito ay isang bagay na kailangan ng tao dahil ito ang nagbibigay koneksyon sa kanilang mga pamilya, minamahal at kung ano-ano pa. para sakin hindi din mawawala sa kagamitan ng mga tao ang ipod, mp3 player o bagay na makakapagbigay aliw sa kanila, lalo na pag sila ay sobrang naiinip, ang musika ay ang isa sa mga bagay na nagbibigay entertainment sa kanila. kaya para sakin hindi ito makakalimutan ng tao. alam ninyo ba na ang mga gadget na ito ay may mga magandang epekto, meron din namang masama. ang maganda dito ay nakakapagbigay saya ito sa mga tao, hindi sila nawawalan ng komunikasyon sa mga taong mahalaga sa kanila, naaaliw nila ang mga tao, ang masama naman nito ay minsan ay nakakalimutan na nilang magawa ang mga bagay na kailangan nilang gawin, mga bagay na importante, pero kahit ganon ang nangyayari eh hindi naman ito dahilan para ipagbawal na magkaroon ng mga gadgets. ang importante ay naging high-tech ang ating buhay, at lalong naging mataas ang demand ng ating teknolohiya.

Thursday, October 6, 2011

lovelife...

this word is very taunting to everyone.. LOVELIFE.. what do people think about lovelife? some people think that having a love-life is happy.. some people say that love is not for being happiness.. it's just for pleasure.. but why do everybody prefer of having a love-life?  in my opinion, masasabi ko na ang pag-ibig ay kailangan ng bawat tao. hindi dahil gusto nila.. kundi dahil mahal talaga nila ang tao na kanilang iniibig. hindi naman kasi kailangan ng kahit anong konsepto ang pag-ibig, basta nagmahal ka, lahat kaya mong gawin.. ibibigay mo lahat ng kaya mong ibigay sa taong mahal mo. but one thing in my mind is that, love can hurt one's feeling, maraming mga bagay ang nagaganap kapag nasasaktan ang isang tao. tulad na lamang ng pagtatangkang pagpapakamatay, nasisiraan ng bait, o di kaya naman ay hindi makalimutan ang masamang sinapit sa kanyang minamahal. pero alam ko na pagnagmahal ka hindi mo kayang isumpa ang taong mahal mo kahit nasaktan ka nito. because as i said "love can conquer all" ika nga nila hindi kayang tumbasan ng kahit sinong tao ang pagmamahal na kayang ibigay ng tunay mong mahal...