Saturday, October 8, 2011

buhay gadgets...

ang mga gadgets ay isa sa mga bagay na hindi makalimutan na dalihin ng mga tao sa kanilang buhay. hindi nila kayang magawang mabuhay ng walang gadgets. bakit kaya? para sakin hindi kayang mabuhay ng tao ng walang gadgets dahil sa kailangan din naman ng mga tao ang mga gadgets na gaya ng mga nasa larawan na ito. lalo na ang cellphone, ito ay isa sa mga bagay na ginagamit ng tao palagi, ito ay isang bagay na kailangan ng tao dahil ito ang nagbibigay koneksyon sa kanilang mga pamilya, minamahal at kung ano-ano pa. para sakin hindi din mawawala sa kagamitan ng mga tao ang ipod, mp3 player o bagay na makakapagbigay aliw sa kanila, lalo na pag sila ay sobrang naiinip, ang musika ay ang isa sa mga bagay na nagbibigay entertainment sa kanila. kaya para sakin hindi ito makakalimutan ng tao. alam ninyo ba na ang mga gadget na ito ay may mga magandang epekto, meron din namang masama. ang maganda dito ay nakakapagbigay saya ito sa mga tao, hindi sila nawawalan ng komunikasyon sa mga taong mahalaga sa kanila, naaaliw nila ang mga tao, ang masama naman nito ay minsan ay nakakalimutan na nilang magawa ang mga bagay na kailangan nilang gawin, mga bagay na importante, pero kahit ganon ang nangyayari eh hindi naman ito dahilan para ipagbawal na magkaroon ng mga gadgets. ang importante ay naging high-tech ang ating buhay, at lalong naging mataas ang demand ng ating teknolohiya.

No comments:

Post a Comment