masaya ang maraming kaibigan!! sobrang masaya, alam ninyo ba yung feeling na sila yung makakatulong sa inyo pag may problema kayo? sila din yung tao na maituturing mo na kapatid na aaruga sayo pag malungkot ka. hindi ka nila iiwan sa lahat ng pagkakataon, tutulungan ka nila na maresolba ang problema mo, sila din ang tao na hindi ka idadown bagkus sila pa yung hihila sayo pataas. minsan ang kaibigan din ang sisira sa samahan ninyo. bakit? kasi paplastikin ka lang nila, sasabihan ka lang nila ng masama pag nakatalikod ka, at kung ano ano pang mga salita na hindi kanais nais. pero alam ninyo hindi naman nila kasi maintindihan ang side mo. yung tipo na kahit anong paliwanag ang sabihin mo hindi nila matanggap, ang sasabihin lang nila sayo eh mayabang ka kasi ganyan ka na, hindi ka na nila kilala, ikaw pa yung sasabihan nila na masama kasi napakakitid nila. ang sakin naiintindihan ko yon kasi hindi ko naman sila masisisi kasi sila yon eh, yun lang yung side nila, kaya ako wala akong pakialam sa mga side nila kasi pag naman nagpaliwanag ako ako padin yung lalabas na masama sa mata nila. masakit oo pero kailangan tanggapin kasi yon yung ugali na hindi natin matatanggal sa kanila.
No comments:
Post a Comment